LPG bababa ng 50 sentimo kada kilo

NAKATAKDANG magpatupad ng rollback sa presyo ng produktong Liquefied Petroleum Gas (LPG) ng singkuwenta sentimos kada kilo.

Ang roll back ay bunsod sa pagkakaahon sa presyuhan ng petroleum product sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay LPG Marketer’s Association partylist Rep. Arnel Ty, ang bawas presyo ay ipatutupad epektibo bukas at inaasahang susundan pa sa mga susunod na araw.

Sa anunsyo, nanawagan si Ty sa consumers na epektibo bukas, Mayo 11 ay magbabawas sa presyo ng LPG sa P.50 kada kilo ng cooking gas.

Aniya, maganda ang naging bunga ng pagkakapatay kay Al-Qaeda founder Osama bin Laden kaya muling bumuti ang takbo ng bentahan ng langis at iba pang produkto sa world market.

Samantala, iniulat ni Ty na bagsak pa rin umano ang international contract price ng LPG subalit patuloy itong nagkakaroon ng magandang resulta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply