LRT Line 1 pansamantalang tigil-operasyon

SIMULA sa Sabado hanggang sa Lunes ay pansamantalang isususpinde ang operasyon ng Light Trail Transit (LRT) Line 1 na mula sa Jose Abad Santos station hangang sa Roosevelt Ave. station sa harap ng Muñoz Market sa Quezon City.

Ayon kay Rafael Rodriguez, administrator ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ang temporary suspension ay para bigyang-daan ang pagsasaayos ng LRT signaling system sa mga istasyon.

Sa ipatutupad na suspension, ang mga rutang bukas ay mula sa Blumenttrit station sa Maynila hanggang sa Baclaran station.

Magtatalaga ang pamunuan ng LRTA ng sapat na shuttle buses para sa mga pasahero na magdaraan sa Jose Abad Santos,  R. Papa, 5th Avenue, Bonifacio Monument, Balintawak at Roosevelt stations patungo at pabalik.

Pero nilinaw ng pamunuan na hindi pinahihintulutan ang pagbaba sa mga shuttle buses ng mga pasahero sa pagitan ng mga istasyon.

Binigyang-diin ni Rodriguez na ang pagdudugtong ng umiiral na signaling system ay para sa mga bagong bukas na istasyon sa North extension project.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply