LTO iimbestigahan sa pagrehistro ng smuggled vehicles

PINAIIMBESTIGAHAN ang Land Transportation Office (LTO) kung paano nairehistro at naipuslit sa bansa ang imported na luxury cars at motorsiklo sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay Bureau of Customs chief Angelito Alvarez, maraming nasasaktan sa pagsasampa niya  ng kaso laban sa smugglers.

Ipinaliwang ni Alvarez na matagal nang nakarehistro ang mga sasakyan na ipinuslit sa bansa ni Allan Bigcas.

Nairehistro na sa LTO ang mga sasakyan noong 2009 hanggang sa unang bahagi ng 2010, habang siya naman ay naitalaga lamang sa posisyon noong Hulyo 2010.

Sinabi rin ni Alvarez na uminit lamang ang usapin kaugnay sa pagpapatalsik sa kanya noong papalapit na ang Mayo 10 kung kailan maaari nang maitalaga sa gobyerno ang mga natalong kandidato noong 2010.

Posible rin aniya na maraming gusto siyang patalsikin sa puwesto dahil sa halos sunod-sunod niyang paghahain ng kaso laban sa malalaking smuggler.

Iginiit pa ni Alvarez na kung mayroong dapat managot sa kontrobersiyang imported luxury cars, dapat ay ang LTO dahil sa naturang ahensya nai-rehistro ang mga sasakyan bago natuklasang smuggled.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply