LTO, LTFRB oks sa wage compensation package

NAGKASUNDO ang mga opisyal ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation office (LTO), Metro Manila Development Authority (MMDA) at bus operators na mapag-aralan ang wage compensation package na dapat ibigay sa mga driver ng bus upang maiwasan ang paghahabulan ng mga pampasaherong bus sa mga lansangan  partikular sa Metro Manila.

Nauna ng iniutos ni Pangulong Noynoy Aquino  na magpulong ang naturang mga ahensiya ng gobyerno upang talakayin  ang mga hakbangin  upanhg maresolba ang mga aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga transport passenger vehicles kung saan pinakahuling naging  biktima ay ang UP professor at veteran journalist na si Chit Estella Simbulan sa QC.

Binigyang diin ni LTFRB Chairman Nelson Laluces na sa kanilang pulong ay naghayag ng kahandaan ang bus operators na bigyan ng regular na suweldo ang bus drivers para hindi maghabulan sa kalsada.

Gayunman, sinabi ng ilang bus operators na mas malaki pa ang natatanggap na sahod ng mga bus drivers kaysa sa regular na suweldo kaya minabuti ng mga nabanggit na ahensiya ng pamahalaan gayundin ng mga bus operators na sama-samang pag-aralan ang pagkakaroon ng wage compensation income sa mga bus driver na papantay sa natatanggap na sahod ng mga bus driver buwan-buwan.

Sinabi rin ni Laluces na bukod dito ay pupulungin din nila ang mga lider ng transport groups ng mga kumpanya ng bus upang magkaroon ng solusyon ang problema sa sinasabing paghahabol sa kita ng mga bus driver kaya humahagibis ang pamamasada sa kalsada.

Sa katunayan anya, mula nang pakilusin ng pamahalaan ang mga ahensiya ng pamahalaan na kaalaman sa batas trapiko, nagkaroon ng pagbaba ng kaso ng aksidente sa lansangan nationwide sa loob ng 8 buwan.

Lumitaw din sa pulong na dahil sa pintinding kampanya ng MMDA, LTFRB, LTO at HPG sa pangangasiwa sa trapiko, may mahigit 100 bus driver ang nahuli dahil sa paglampas sa 60 kilometer speed limit na takbo ng mga pampasaherong sasakyan sa Commonwealth avenue sa QC.

Nais naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino na habaan ng hanggang Fairview ang sakop ng 60 km speed limit area na sa ngayon ay umaabot lamang ng Sandiganbayan area sa QC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply