Luho, dambuhalang sahod sa GOCCs, nilusaw na

WALA nang pagkakataon ang ilang opisyal at kawani ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na makapagsamantala sa kanilang posisyon matapos aprubahan ng Bicameral conference committee ang GOCC Governance Act of 2011.

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, binuo sa naturang batas ang GOCC Governance Commission na tututok at mangangasiwa sa lahat ng usaping pananalapi at administratibo ng 157 kompanya ng pamahalaan kabilang ang reporma.

“Today we have approved a landmark legislation which will finally put to an end what we have seen in the past to be the abuses of the GOCC. We have today approved, the bicameral conference committee, the GOCC Governance Act of 2011 which will have wide-ranging reforms in the GOCC sector which constitute a substantial portion of our government assets and liabilities,” ayon kay Drilon.

Ayon kay Drilon, wala nang puwang ngayon ang pagmamalabis ng mga opisyal kabilang ang board of directors ng lahat ng GOCCs tulad sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na tumanggap ng 36 buwang sahod sa loob ng isang taon.

Milyon din umano ang kinikita ng isang director ng MWSS kahit isang beses lamang dumalo sa board meeting, o kumikita ang miyembro ng board ng GOCCs na umuupo bilang kinatawan ng pamahalaan sa pribadong kompanyang pinaglagakan ng puhunan.

Sa naturang batas, hihigpitan na rin ang pagtatalaga ng chief executive officer of presidente sa partikular na GOCCs kaya hindi na maaaring kung sinu-sino lamang ang itatalaga bilang opisyal ng partikular na kompanya ng pamahalaan tulad nang nangyari sa mga nakaraang administrasyon.

Naglaan ang Kongreso ng P10 milyon bilang inisyal na pondo ng komisyon na kukunin sa contingency fund ng Pangulo at tatlong komisyunado ang itatalaga ng chief executive at ex-officio member naman ang kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply