Luzon maulan pa rin

MAKARARANAS pa rin ng pag-ulan ang bahagi ng Luzon bunsod ng low pressure area (LPA) na umiiral South China Sea o sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.

Batay sa pinakahuling ulat ng Philppine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling natukoy ang sama ng panahon sa layong 400 kilometro sa kanluran ng Baguio City.

Ayon sa Pagasa, ito pa rin ang dahilan ng madalas na pag-ulan sa northern at Central Luzon kabilang na sa Metro Manila.

Mababa naman ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang naturang LPA.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply