Luzon, Mindanao, 3 beses nilindol

TATLONG pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Northern Luzon at Mindanao, umaga ng Huwebes, Mayo 5.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pinakamalakas na pagyanig bandang 6:34 a.m., na may magnitude 3.7.

Ayon sa Phivolcs bulletin, natagpuan ang epicenter sa 96 km southeast ng General Santos City sa Mindanao.

Bago rito, dalawang pagyanig din ang naitala madaling-araw ng Huwebes kung saan ang una ay naitala sa magnitude 3.0 bandang 1:19 a.m. malapit sa Nueva Vizcaya, Northern Luzon.

Ayon sa Phivolcs, natagpuan ang epicenter nito sa 17 km southwest ng Bayombong.

Habang ang isa pang pagyanig ay naitala bandang 2 a.m., na nakita ang epicenter sa 96 km northwest ng Dipolog City sa Zamboanga del Norte sa Mindanao at may magnitude na 2.7.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply