Luzon, Visayas magiging maulan pa rin

PATULOY na makararanas ng pag-ulan ang Luzon at Visayas dahil sa low pressure area (LPA).

Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 290 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales.

Maliban sa LPA patuloy din na umiiral ang hanging habagat na siyang lalong nagpapaulan sa malaking bahagi ng Pilipinas kabilang na sa bahagi ng Metro Manila at maging sa ibang bahagi ng ating bansa.

Dahil dito pinayuhan ng Pagasa ang taong bayan lalo na ang mga nasa mabababang lugar na paghandaan ang mga pagbaha at paguho ng lupa.

Inaasahang tatagal ito hanggang sa kalagitnaan ng linggong kasalukuyan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply