Luzon, Visayas nilindol ng 4 na beses

NIYANIG nang apat na magkakasunod na lindol ang Visayas at Luzon kaninang madaling-araw, Mayo 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nabatid na unang naitala ang pagyanig na may magnitude 3.9 dakong 12:33 sa layong 81 kilometro sa Iba, Zambales, at nasundan ng 2.1 magnitude naman sa layong siyam na kilometro sa kanluran ng Patnongon, Antique.

Naitala ang pangatlong pagyanig na may lakas na magnitude 3.0 sa Timog Silangan ng Sto. Tomas, La Union dakong 1:23 ng madaling araw, habang magnitude 3.3 naman sa layong 48 kilometro sa timog kanluran ng San Antonio, Zambales kaninang alas 2:38 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, pawang tectonic ang ang pinagmulan ng naturang mga lindol at walang napaulat na nasaktan o napinsalang ari-arian.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply