M2M at HIV

DUMARAMI na ang may HIV sa Pilipinas. Dapat na raw matakot ang mga Pinoy. “Dapat na natin silang takutin,” ayon kay Dr. Eric Tayag. (Wala pang gamut para sa HIV at AIDS.)

Panahon na (dapat matagal na!) upang mamulat ang lahat sa virus na ito. Kung saka-sakali hindi na natin kailangan ang reproductive health bill kundi rin lang natin mapigilan ang pagkalat ng HIV at ng AIDS sa bansa.

Ayon kay Dr. Tayag, ang RH bill raw ay posibleng makakatulong sa paglaban sa pagkalat ng HIV-AIDS, pero hindi raw dapat gamitin ang HIV-AIDS na dahilan upang isulong ang RH bill. Baka gugulo lang daw ang usapin.)

Ayon sa pag-aaral ng Department of Health, karamihan sa may HIV ngayon sa bansa ay mga lalaking nagkikipag-sex sa kapwa nila lalaki. Marami raw sa mga lalaking ito ang nakikipagtalik sa puwet.

Naitanong ko tuloy kay Dr. Tayag kung bakit naman kasi kailangan pa ng mga lalaking ito na mag-anal sex. Aniya, sinasabi ng mga lalaking ito na “the act defines them.” Kumbaga, ang anal sex daw ay siyang patunay na sila ay “naiiba.”

(Gusto lang po natin linawin na hindi natin kinukondena ang mga taong ito, kundi ang ating nilalabanan ay ang tinatawag nating iresponsableng “social behavior” o ugali ng ilan sa atin. Puwede rin naman kasing patunayan ang pag-ibig at relasyon (ng lalaki man o babae) sa responsableng pamamaraan.

Nakababahala naman talaga ang mabilis na pagdami ng mga taong may HIV dito sa atin. Matindi pa rin ang sinasabing “stigma” at diskriminasyon sa mga taong nagkakasakit dahil sa virus na ito.

Hindi lamang dahil sa sex ang pagkalat ng HIV at AIDS. Liban sa tinatawag na “men-to-men” na pagtatalik, sinasabing tumataas din ang bilang ng mga nagkaka-HIV dahil sa pagpapalitan ng karayom na ginagamit sa pagtuturok ng drugs.

Meron pa ring nakakakuha ng virus na ito mula sa mga “sex workers,” subalit ang magandang balita ay bumababa na raw ang nakakakuha ng virus mula sa mga “prostitute.” Ang mas dumarami daw ay mga overseas contract workers na nahahawa mula sa kanilang mga kapareha sa “abroad.”

Ano ang dapat na gawin? Ayon sa DOH, dapat nating alamin kung ano ba talaga ang virus na ito, dapat maging bukas ang ating isipan (huwag na magkunwari) na meron nang HIV-AIDS sa Pinas, at dapat nating alamin kung papaano ito lalabanan.

Ito ang malaking hamon na kinakaharap ngayon ng pamahalaan at ng buong sambayanan.

Ayon sa DOH, bago pa man matapos ang termino ni Pangulong Noynoy Aquino sa 2016, hindi bababa sa 35,000 na Pinoy na ang magkakaroon ng HIV habang milyon-milyon ang sinasabing magiging “at risk” sa nasabing virus.

Sa kasalukuyan meron na raw 6,498 kaso ng HIV dito sa bansa. Nito lamang unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan 172 na Pilipino na ang naiulat na may HIV. Karamihan sa mga ito ay lalaki na nasa 20-29 taong gulang na nakikipatagtalik sa kapwa nila lalaki.

Bakla ba sila? “Not necessarily,” ayon sa mga eksperto. “In” or “fad” lang talaga ang gawaing ito! Kailangan ba ang RH bill para mapigilan ang M2M? Iyan ang tanong na dapat sagutin ng lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply