Maagang X-mas bonus ng mga pulis matatanggap na

MAPAPAAGA ang pagtanggap ng 138,000 na mga miyembro ng Philippine National Police matapos ihayag ni PNP Director General Raul Bacalzo na ipinag-utos na niya kay PNP Comptroller Director Rey Lañada na bilisan ang pagproseso sa pagpapalabas sa 1.45 bilyong piso para pondohan ang kalahating ng 13th monthly ng kapulisan sa bansa.

“I instructed the directorate for comptrollership and the finance service to expedite the processing of the DBM appropriation and to release the midyear bonus without delay as soon as funds are available,” ayon kay Bacalzo.

Ipinagmalaki ni Bacalzo na kaya naapaga ang kanilang bonus dahil sa nagkaroon ng savings ang PNP sa loob ng dalawang taon na tinatayang P1.28 bilyon.

Ayon naman kay Lañada, matatanggap ng mga pulis ang kanilang mga tseke sa mga susunod na araw.

“It will be paid in the form of individual checks drawn from the PNP account with the Land Bank of the Philippines,” pahayag ni Lañada.

Sinabi din PNP finance officer na simula sa Hunyo 1 nitong taon ay matatanggap na ng kapulisan ang kanilang third tranche na umento mula sa Salary Standardization Law.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply