Maangas na aktor at kunsitindor na ina

KAWAWA ang mga nakakarelasyon ng aktor na ito. Kapag pinagsawaan na niya, goodbye na at hahanap na naman siya ng bago.

Para s’yang nagpapalit lang ng brief kung magpalit ng girlfriend.

Wala siyang pakialam sa damdamin ng isang babae. Ang tanging alam lamang niya ay chumurva.

‘Yun ngang mestisahing starlet na naging live-in partner niya ay umasa lang sa kanya sa wala. Dahil sa inis nito ay lumipat na lamang ng ibang network.

Iyon namang mestiza girl na ipinalit niya sa ka-live-in ay nilawayan n’ya lang ng dalawa o tatlong buwan at pagkatapos tsugi na.

Ang angas din pumorma ng lintek, akala mo kung sinong matapang. Ang ipinagmamalaki lang naman niya ay ‘yung kanyang itinatago sa kotseng ‘eskwala,’ na pagka-minsan ay isinusukbit sa kanyang baywang.

Hindi ba’t may nakaaway itong isang aktor at buong ningning na tinutukan sa ulo? Eh, to the rescue ang nanay at inayos ang gusot ng kanyang anak kaya hindi nasulat sa mga babasahin ang kayabangan at kaangasan ng kanyang malibog na binata.

Lagi namang ganyan ang kunsintidor na ina. Basta may nakaaway o may nagawang kalokohan ang kanyang anak, s’ya ang pumaplantsa ng gusot.

Hindi ba’t ilang beses din itong nasangkot sa aksidente sa lansangan dahil sa pagiging kaskasero nito, sino ang umayos? Si madir pa rin.

Giatay!

Ang hindi nila alam, ang lahat ng bagay ay may katapat na kaparusahan. Si Carmi Martin (karma) ay bigla lang sumusulpot anumang oras na gustuhin nito.

Kaya madir, kastiguhin mo ang anak mo kung may mali itong ginagawa para hindi masanay sa haplos ng iyong pagmamahal.
Bigyan mo naman ng konting karinyo-brutal.

Napakabait kasi ni padir kaya ganyan ang kanyang misis at anak. Sampolan mo nga padir nang mabigyan sila ng leksiyon.

Hehehe!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply