Mabigat na parusa ipapataw vs necrophilia

NAIS ng mga senador na patawan ng mabigat na parusa ang sinumang mahuhuling nakikipagtalik sa patay, ang gawaing tinatawag ding “necrophilia.”

Sa pagdinig sa Senado kahapon, tinalakay ng Senate committee on justice and human rights, na pinamumunuan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero, ang dalawang panukalang batas na inihain ni Sen. Manny Villar at Senate Pro-Tempore Jinggoy Ejercito Estrada na naglalayong patawan ng mabigat na parusa ang sinumang magsasamantala sa babaing patay.

Inihain ni Estrada ang Senate Bill 505 at si Villar naman ay Senate Bill 1297 na pawang nagbibigay ng mabigat na parusa sa ganitong gawain.

Ilang kaso na ng nechropilia ang naibabalita at hindi naman napaparusahan ang mga gumagawa ng malaswang bagay na ito dahil walang batas na ipinatutupad laban dito.

“Sinuman ang gumagawa nito ay nagpapakita na may diperensiya sa utak o sa isip na dapat naman talaga ay ipagamot, parusahan o ipakulong, dahil hindi marapat at dapat hindi ginagawa ito bilang paggalang na lamang sa katawan ng isang yumaong Filipino.” ani Escudero.

Sinabi pa ni Escudero, gagawin nila ang lahat upang maging ganap ng batas ang pagbibigay ng parusa sa mga taong necrophilia.

“We are trying to mend the measure hoping that we can come up with a law that will penalize the accused,” wika ni Escudero.

Gayundin, nagkasundo naman sa parusang ipapataw sina Estrada at Villar sa sinumang lalabag sa naturang panukala na makukulong mula prison mayor hanggang reclusion temporal at multang mula P100,000 hanggang P500,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply