Macapagal, Villanueva naidepensa ang titulo

HINDI hinayaang makahulagpos nina Mark Macapagal at Jonas Villanueva ang tangang titulo sa 3-point shootout at sa obstacle challenge ayon sa pagkakasunod sa idinadaos na PBA All-Skills Challenge sa Boracay Convention Center.

Nakapagtala si Macapagal ng Powerade Tigers ng 17 puntos para talunin sina Ronald Tubid ng Barangay Ginebra na bumuslo ng 16 at ang pumangatlong si Jimmy Alapag ng Talllk ‘N Text Tropang Texters na may 15 puntos.

Sa elimination ay si Tubid ang nanguna sa kanyang 14, 13 naman si Alapag habang 12 puntos ang kay Macapagal.

Sa gaganaping Legends 3-point shootout ngayong hapon, Mayo 21, mapapalaban ang tatlo kina Allan Caidic, Alvin Patrimonio at Renato Agustin na pawang mga dating PBA Most Valuable Player.

Sa obstacle challenge, nairehistro ni Jonas Villanueva ang back-to-back win kasunod ni Rob Johnson ng Purefoods na nakauna noong 2003-2004. Naitala ng San Miguel guard ang 29.4 segundo sa finals sa paggapi kay Ryan Buenafe na nagtapos sa loob ng 32.1 segundo at ng pumangatlong si Chris Ross ng Meralco Bolts na naorasan ng 33.5 segundo. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply