Macho man patay sa crash

NASAWI ang sikat ng wrestler na si Randy “Macho Man” Savage sa isang car crash sa Tampa, Florida.

Minamaneho ng 58-anyos na wrestling legend ang kanyang 2009 Jeep Wrangler ng atakihin ito sa puso. Tumawid sa kabilang kalsada ang jeep nito at bumangga sa isang puno.

Kasama ni Randall Mario Poffo, tunay na pangalan ni Macho Man, ang kanyang asawa ng maganap ang aksidente. Hindi malubha ang tinamo ng kanyang misis. Isinugod silang dalawa sa Largo Medical Center sa naturan ding lugar.

Ayon sa medical staff ng naturang ospital, ang grabe nitong pinsala sa katawan na natamo sa pagkakabangga ng kanyang sasakyan sa puno ang naging sanhi ng kamatayan ni Randy Savage.

Nakilala si Macho Man noong dekada 80 at 90 kasama nina legendary Hulk Hogan sa World Wrestling Federation.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply