Madadayang timbangan nakumpiska sa QC

NAKUMPISKA ang 49 na depektibong mga timbangan ng mga tauhan ng Inspection Division and Treasury Office ng Quezon City sa Muñoz Market sa  may Edsa, Cubao.

Sinabi ni Ruby Guevarra, chief ng Operations ng QC-IDTO na patuloy ang kanilang gagawing operasyon laban sa mga madadayang timbangan na hindi sumusunod sa mga alituntuning ipnatutupad ng pamahalaang lungsod ukol dito.

Kabilang sa mga timbangang nakumpiska ay pawang mga walang selyo o tag license, sirang mga selyo at hindi calibrated.

Aminado si Guevarra na mahirap masawata ang mga mandarayang mga negosyante dahil sa halip aniya na tubusin ang mga nakumpiskang timbangan ay bumibili na lamang sila ng bagong timbangan kapalit ng mga nakumpiska sa katuwiran na mas mura aniya ang bumili ng bago kaysa tumubos nito.

Magkagayunman, tahasang sinabi ni Guevarra na hindi sila titigil sa operasyon hanggat hindi nila nauubos ang mga madadayang timbangan na ginagamit sa mga  pampubliko at pribadong mga pamilihan sa Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply