Mag-aama huli sa iligal na mga baril at bala

TIMBOG ang mag-aamang sina Alberto Castro Sr. at mga anak nitong sina Marlo at Pepito matapos mahulihan ng mga baril at bala sa kanilang bahay.

Nauna ng nakakuha ng search warrant ang mga pulis kay Executive Judge Marietta Homena-Valencia ng Regional Trial Court sa Aklan para sa pagsalakay sa bahay na mag-aama makaraang makakuha ng intel report ang mga pulis ng mayroong maraming baril ang nakaimbak sa bahay ng mga suspek.

Nakuha ang labing-isang baril sa bahay ng mga Castro sa Barangay Poblacion, Libacao, Aklan. Kabilang rito ang caliber 30 M1 carbine rifle, 9mm Ingram machine pistol with silencer, caliber .45 Colt pistol, calibre .45 Colt Mark IV pistol, dalawang homemade caliber 5.56 pistol, Taurus 9mm pistol, homemade calibre .38 special revolver, magnum revolver Smith and Wesson caliber .22, homemade 12 gauge shotgun at caliber .22 homemade pistol.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply