Mag-asawa nagpositibo sa AIDS sa GenSan

NAITALA ang mag-asawa bilang pinakahuling dinapuan ng HIV/AIDS sa General Santos City.

Dahil dito, ikinaalarma ng City Health Office ng Gensan ang pagtaas ng bilang ng dinapuan ng nakamamatay na sakit.

Ayon kay Dr. Mely Lastimoso, social hygiene coordinator ng City Health Office, isang mag-asawa ang nadagdag sa bilang sa mga naging positibo ng HIV/AIDs.

Ang dalawa ay nadagdag sa naunang 26 naitalang HIV positive sa lungsod

Nabatid na boluntaryong nagpatingin sa kanilang tanggapan ang mag-asawa ngunit tumangging isapubliko ng kagawaran ang pagkakakilanlan ng dalawa.

Kaugnay nito, batay sa datos ng DOH, tumaas pa ng 172 katao ang nagpositibo sa HIV sa buwan lamang ng Marso kung saan umabot na sa 483 ang naitalang kaso ng sakit sa unang quarter ng taon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply