Mag-asawang negosyante hinoldap

ISANG mag-asawang negosyante ang natangayan ng mamahaling alahas at di nabatid na halaga ng salapi pagkatapos na holdapin ng tatlong hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan na sakay ng isang taxi Lunes ng madaling araw, sa kahabaan ng Lapu Lapu St., Barangay Northbay Boulevard South, Navotas City.

Ang biktima na nagharap ng reklamo sa himpilan ng Malabon police ay nakilalang si Anarose Jacinto y Feria, 36, may-asawa at residente ng Blk 16, Lot 59, Area 2, Dagat-Dagatan, Malabon City

Ang tatlong hindi pa nakikilalang suspek na armado ng baril ay mabilis na tumakas sakay ng get-away taxi matapos ang panghoholdap sa mga biktima.

Base sa isnagawang imbestigasyon ni P01 Joseph Provido ng Station Investigation Division ng Navotas police, dakong 3:00 kahapon ng madaling araw ng maganap ang panghoholdap sa Lapu Lapu St.

Ayon sa ulat, nakasakay sa kanilang motorsiklo ang mag-asawang Jacinto, pagsapit sa nasabing lugar hinarang sila ng isang taxi kung saan bumaba ang tatlong kalalakihan na armado ng baril at nagdeklara ng holdap.

Walang nagawa ang mga biktima ng tutukan sila ng kalibre .38 baril. Kinuha ng mga ito ang suot na thungsin jewelry na nagkakahalagang P10.000 at hindi pa batid na halaga ng pera.

Hindi rin nakuha ang plate number at kulay ng nasabing get-away taxi habang pinaghihinalaan din na kasabwat ang driver nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply