Mag-ingat sa pekeng credit cards – PDEA

BINALAAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko laban sa anomalya ng credit card.

Ang paalala ay matapos mahuli ang mga miyembro ng African Drug Syndicate (ADS) na ganito ang modus operandi.

Ayon sa PDEA, ginagamit ng sindikato ang pekeng credit cards upang bumili on-line airline tickets para sa kanilang  drug couriers na magde-deliver ng iligal na droga sa ibang bansa.

Sinabi kahapon ni PDEA Director General Jose S. Gutierrez Jr. na nabulgar aniya ang sistema ng sindikato matapos mahuli ang mga suspek na sina Samuel Egbo y Chukwueloka, isang Nigerian national, at Yunji Choi, isang Korean national, sa isinagawang entrapment operation ng PDEA noong  Mayo 3, 2011.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang dalawang kilo ng cocaine na katumbas ng halagang P2.5 milyon.

Ayon kay Gutierrez, kinokopya umano ng mga suspek ang ilang credit card sa pamamagitan ng pag-swipe nito sa mga maliliit na electronic devices na tinatawag na “skimmers.”

Ang skimmers ay kumukuha ng lahat ng impormasyong laman ng card mula sa credit card users sa pamamagitan ng merchant websites na gumagamit ng spyware.

Dagdag pa ni Gutierrez, ginagamit na ng sindikato ang ganitong sistema para sa pagsasaayos ng pagbibiyahe ng kanilang na recruit na couriers.

Inamin ni Choi na nakarating siya sa bansa gamit ang mga pekeng plane ticket galling sa credit card account  ng ibang tao na nakabase sa Amerika.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply