Magka-live in niratrat habang natutulog

PATAY ang isang babae habang kritikal ang kanyang ka-live-in nang pasukin at pagbabarilin sila ng kanilang habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Navotas Huwebes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Merlinda Garcia, 50, habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan si Luis del Rosario, 57, kapwa ng Carnation st., North Bay Boulevard South, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na kinilala lamang sa pangalang Junjun Hipolito, alyas “Plokong.”

Sa ulat, dakong 9:45 ng gabi habang natutulog ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay nang pasukin sila at pagbabarilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang mag-live-in sa TMC bago inilipat sa JRMMC si Del Rosario.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply