Magkakagulo kapag walang ARMM elections

MARIING nagbabala ang mga residente ng Autonomous Region in  Muslim Mindanao (ARMM) na posibleng magkagulo sa sandaling ipagpaliban ang eleksyon sa rehiyon na nakatakda sa Agosto 8.

Ang babala ay ipinarating ni Sen. Miguel Zubiri kaugnay sa pagbabanta ni  dating Tawi-Tawi Gov. Almarin Centi Tillah na maglulunsad ng “jihad” o “holy war” ang ilang sektor sa Mindanao sakaling hindi ituloy ang nakatakdang halalan.

Sa mensahe ni Tillah, labis nitong tinututulan ang pagtatalaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ng mga opisyal na siyang magpapatakbo sa ARMM ng halos dalawang taon.

Aniya, taliwas ito sa prinsipyong umiiral sa awtonomiya.

Sinabi umano ni Tillah na kung igigiit ng Pangulo ang planong nabanggit, mabuting palitan din ang pangalan ng ARMM sa MGMM o “Malacañang Government of Muslim Mindanao.”

Nangangamba si Zubiri na kung ipagpapaliban ang halalan ay magagaya ang ARMM sa Syria at Libya, kung saan nagkaroon ng giyerang sibil nang pagkaitan umano ang mga mamamayan ng nabanggit na mga bansa na pumili ng sarili nilang mga lider.

Nanawagan naman si Zubiri sa mga residente ng Mindanao na maging kalmado habang tinatalakay pa ang pagsusulong ng eleksyon sa ARMM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply