Magkalaguyo niratrat habang nagde-date

NAGTAPOS ang masasayang araw ng isang magkalaguyo nang  kapwa mapatay nang ratratin ng dalawang armadong salarin habang ang mga biktima ay nagde-date sa Caloocan City, iniulat Miyerkules ng gabi.

Unang idineklarang patay sa lugar ng pinangyarihan ng krimen si Merelyn Boleche  Garin, 27, ng Paulino Compound, Barangay 174, Camarin, Caloocan City, sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at katawan.

Namatay naman pagdating sa Bernardino General Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng handgun sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Robert Sadang Macabeo, 53, may-asawa, kagawad ng Special Traffic Assistance Group ng RDPSTM North Caloocan City hall, at residente ng 2618 Capt. Rico Street, Barangay 174, Camarin, nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, alas-nuwebe ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng Baby’s Eatery sa Zapote Rd. cor. Mirasol St., Barangay 177, Camarin.

Pumasok sa nasabing sing-a-long eatery ang dalawa upang kumain. Habang nasa kasarapan ng kanilang pagde-date ay dumating ang mga hindi kilalang salarin na pinagbabaril ang mga biktima.

Nang masigurong patay na ang magkalaguyo ay agad nagsitakas ang mga salarin.

Hinala ng pulisya na “love triangle” ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply