Magna Carta para sa PNP isinulong

ISINUSULONG ng isang mambabatas na aprubahan na ang Magna Carta para sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) upang palakasin at gawing professional ang 138,000-tauhang kapulisan.

Ayon kay Bohol Rep. Erico Aumentado, kailangang palakasin ang kapasidad at competence ng mga pulis upang mamintine ang peace and order at masiguro rin ang kaligtasan at seguridad ng mga ito.

Ani Aumentado, hindi pa tuluyang nawawala ang integridad at karangalan ng PNP kahit kabi-kabila pa ang dinaranas nilang kahihiyan at kapalpakan.

Mas maganda umano kung maibabalik ang respeto ng publiko sa kapulisan dahil sila lamang ang puwedeng lapitan ng publiko sa oras ng pangangailangan.

Ani Aumentado, chairman ng House committee on ethics and privileges, sa tulong ng House Bill 4092 ay magkakaroon ng “peace and order at seguridad,” na lubhang mahalaga upang makamtan ang kaunlaran at istabilidad.

Aniya, ang gobyerno ay may tungkuling magbigay ng tahimik na kapaligiran sa sambayanan.

Ang PNP umano ang pangunahing ahensyang nagpapatupad ng peace and order, kaya dapat lamang na alagaan din ang kanilang kapakanan upang hindi sila matuksong gumawa ng masama.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply