Magpinsan lamog sa agaw-cellphone gang

BUGBOG SARADO ang isang magpinsan matapos pagtulungang gulpihin ng apat na lalake na umagaw ng kanilang cellphone sa Mandaluyong City.

Suntok, sipa at palo ng bote ang inabot nina Domel Catapia, 25, ng 934 P. Lopez St., Brgy. New Zaniga at pinsan nitong si Nelson Perez, 27, ng 52-D. Doña Cristeta, Pamplona 1, Las Piñas City.

Arestado naman ang mga suspek na sina Mark Jason de Castro, 20, Mark Florendo, 23, Jonathan Diebar, 23 at Michael Florendo, 20, pawang ng Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills, nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 3:45 ng madaling-araw sa tapat ng Profile Bar and Restaurant sa Boni Avenue, Brgy. Plainview, Mandaluyong City.

Nabatid na galing sa pag-inom ang magpinsan nang harangin ng mga suspek at agad na pinag-uupakan at nang bumulagta si Catapia ay pilit na inaagaw ng mga suspek ang kanyang Samsung SGH100 na nagkakahalaga ng P8,000.

Sa kabila ng pagkagroge sa gulpi at palo ay nanlaban pa rin ang biktima hanggang sa dumating ang mga rumespondeng pulis at naaresto ang mga suspek.

Sa himpilan ng pulisya ay itinanggi ng mga suspek na sila ang gumulpi sadalawan at ayon sa kanila napagkamalan lang sila ng mga lasing na biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply