Magsasagupaan ang puno’t dulo ng 2011 Flying V Premier Cup

MAGHAHARAP ang walang talong Far Eastern University Tamaraos at ang inaalat na College of St. Benilde Blazers Biyernes ng hapon, Mayo 20,sa The Arena para sa pagpapatuloy ng mga laro sa 2011 FilOil Fying V Hanes pre-season premier cup.

Nakatitiyak na ang Tamaraos (6-0) sa quarter finals ni coach Bert Flores na nangunguna sa Group B subalit pinaalalahanan niya ang kanyang koponan na huwag magkukumpiyansa sa banggaan nila ng Blazers (0-6) dahil may sariling bilis at lakas ang Taft Avenue-based dribblers.

Magsasalpukan naman ang San Sebastian College-Recoletos (4-1) at ang Arellano University Chiefs ng Group A sa main game at ang seniors triple header na laro ay bubwenamanuhan ng Jose Rizal University Heavy Bombers laban sa Emilio Aguinaldo College Generals. Babawi sa pagkatalo ang Heavy Bombers sa Tamaraos 63-79 noong araw ng Sabado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply