Magsasaka gulanit sa sumabog na granada

NAGKAGULA-GULANIT ang katawan ng isang magsasaka na lango sa alak nang sumabog ang hawak na granada sa Agusan del Sur.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jonathan Tambalo, 25, ng Purok 4 Sitio Dungga, Barangay La Fortuna sa bayan ng Versuela.

Sa nakarating na ulat sa Camp Crame, dakong 9:30 kamakalawa ng gabi nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Ayon kay Chief Inspector Bill Acapulco, ng Verssuela PNP, bago ang pagsabog ay napulot umano ng biktima ang isang granada sa kalsada na agad inuwi nsa kanilang bahay.

Nabatid na kinalikot ng biktima ang granada at hindi sinadyang nabunot ang safety pin.

Dahil lasing ay nalito na ang biktima kung ano ang dapat gawin hanggang sa sumambulat sa kanyang kamay ang granada.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply