Magsasaka pinagtulungang paslangin

AGAD namatay ang isang magsasaka nang pagtulungan itong saksakin Sabado ng gabi sa Mamara, Barangay Kalibungan, Lungsod Roxas, Zamboanga del Norte, ayon sa pulisya.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, daglian ang pagkamatay ni Franklin Obligado.

Hindi pa nasasakote ang mga suspek na kinilalang sina Joshua Barte Aronda, Charlie Barte “Kiti” Aronda, Alferez Aronda at dalawa pang hindi nakikilalang kasama.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-otso ng gabi nang maganap ang insidente habang nakaupo ang biktima malapit sa kanyang coco drier.

Bigla umanong sumulpot ang mga suspek at sinaksak ang biktima sa dibdib, na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply