Magtulong-tulong tayo laban kay Chedeng

ANDITO na nga ang bagyong si Chedeng.

Sabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, magkasinglaki ang balde ng ulan na bitbit nina Chedeng at Ondoy.

Si Ondoy yung nagbuhos ng grabeng ulan sa mahal kong Pinas noong 2009 na ikinamatay ng daan-daang katao at ikinabagsak ng pambansang ekonomiya. Halos buong Pilipinas ang sinasalanta na ni Chedeng at sasagasaan nito ang Metro Manila at Central Luzon na dinale rin ni Ondoy noon.

Baka naman makatulong ang panalangin nating lahat na huwag namang uulitin ni Chedeng ang pinaggagawa ni Ondoy.

Kung sama-sama tayong magdasal, baka naman pakinggan ng ating mga Diyos ang ating mga dalangin na tulungan tayong maligtas at makapagpatuloy sa normal na buhay makaraang ang unos.

Kilala namang maunawain sina Jesus at ang Trinidad, Anito, Bathala, Buddha, Shinto, Allah, Apo Mallari, Zeus, Brahma, Khrisna at kung sino-sino pang mga Diyos ng halo-halong Filipino at dayuhan.

Huwag muna tayong mag-away-away dahil sa pagkakaiba natin sa pananampalataya at lalong huwag nating pag-away-awayin ang ating mga Diyos.

Kasi sa totoo lang, hindi pa nakababawi ang daan-daang libong o milyong sinalanta ni Ondoy.
At andito na naman si Chedeng na magpapalala sa mga hindi pa nakarerecover sa lupit noon ni Ondoy.

Ano-ano ba ang dapat ipaghanda ng mamamayan? Kauna-unahan diyan ang pag-alam sa mga matatakbuhan na evacuation center. Huwag mag-antay ng bangka at helikopter.

Susunod dito ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan at pag-alam sa kung ano-ano ang inihahanda nito para malaman kung ano ang pupuwede nating idugtong kung may kakulangan ito.

Yung mga maliliit na bagay gaya ng flashlight, lighter, galon para sa tubig-inumin, gamot, bigas, ulan, damit, pera kung meron at iba pa, dapat nang pagbabalutin para maitakbo bago darating ang baha at magiba ang ating mga tahanan.

Siyempre pa, pinakamahalaga ang paghahanda ng lahat ng mga kabahay at kapitbahay para maligtas tayo sa kamatayan.

Mahirap nang sunduin tayo ni Lord na hindi tayo handa. He! He! He!

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply