Mahal na bilihin isinisisi sa rating ni PNoy

ISINISISI ng mga kongresista ang pagtataas sa presyo ng langis at mga pangunahing bilihin at kawalan ng aksyon ng administrasyon kaya patuloy na bumababa ang popularity rating ni Pangulong Benigno Aquino III sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon kay Negros Occidental Rep. Alfedo “Albee” Benitez, “public satisfaction is partly caused by economic factors. Recent fuel and commodities price increases must have pulled down (Aquino’s) ratings.”

Ganito rin ang naging pagtaya ni Aurora Rep. Sonny Angara, na nagsabing: “It’s probably a result of higher food prices and higher cost of living.”

Sa panig naman ni House Assistant Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay ay sinabi niyang inaasahan na ang ganitong mga pagbaba ng rating ng administrasyon dahil nananatiling wala itong malinaw na solusyon sa mga isyung bumabangon ngayon partikular ang ukol sa pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap.

“The administration failed to address the primordial concerns of the people like high prices of oil, transportation, basic goods, electricity and water.”

Ayon pa kay Magsaysay, ang kawalan ng aksyon ng gobyerno sa kahilingang dagdag-sahod at benepisyo, mga nahuling pagtugon sa problema ng mga overseas Filipino worker  at kawalan ng direksyon sa pamumuno at labis na pamumulitika ang nakadagdag sa pagbagsak ng popularidad ng Pangulo.

Sinabi naman ni Akbayan Rep. Walden Bello na malamang ang mababang rating na ito ay resulta ng mabagal na pagsugpo sa korapsyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply