Mahigit 100 katao patay sa kalsada kada buwan

SA LOOB lamang ng unang tatlong buwan ng 2011 ay 332 buhay na ang kinitil ng mga aksidente sa lansangan.

Mahigit 1,600 din ang mga sugatan sa mga naganap na aksidente mula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), may 3,000 aksidente ang naitala sa buong bansa.

Karaniwan, ayon sa rekord ng ng Highway Patrol Group (HPG) ng PNP, na human error ang dahilan ng mga ito. Kabilang sa mga ito ay ang maling pag-o-overtake at hindi maayos na pagmamaneho.

Lumilitaw sa tala ng PNP-HPG na nangunguna sa mga sangkot sa mga road muishap ang mga  pribadong sasakyan, kasunod ang mga motorsiklo at bus.

Naniniwala ang PNP HPG na magsisilbing babala sa mga motorista at ahensya ng pamahalaan ang paglobo ng  bilang ng aksidente sa kalsada at pagtaas ng bilang ng mga nasasawi upang pairalin ang disiplina sa lansangan at sa pagmamaneho.

Unang-una na umano sa mga ito ay ang pagsunod sa batas-trapiko.

Samantala, umaani rin ng pagtuligsa ang mga ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa pagpapatupad ng batas-trapiko at pagsasa ayos ng mga lanasangan.

Bunsod ito sa dumadaming aksidente sa kalsada, kabilang na ang kamakailang aksidente sa Commonwealth Ave. sa Quezon kung saan nasawi ang beteranang mamamahayag na si Chit Estella.

Ningas-kugon pa rin umano at lubhang reaksyonaryo ang pamahalaan, partikular na sa pagtutok sa mga lansangan at motoristang nagpaparuo’t parito dahil kung walang nagyayari o nasasangkot na malaking tao ay ay hindi nila ito napagtutunan ng pansin.

Tiyak umano na kapag lumamig na ang isyu hinggil sa pagkamatay ni Estella, na isang kilalang investigative journalist at professor ng University of the Philippines, ay agad makakalimutan ang pangangailangang maisaayos ang sitwasyong trapiko sa bansa, partikular ang mga tinatawag na “killer highways”  tulad ng Commonwealth Ave.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply