Mahigit 1,000 pasahero stranded sa pier, airport

MAHIGIT sa 1,000 pasahero ng mga barko at eroplano ang na-stranded sa mga pantalan at paliparan ngayon, Sabado, dahil sa papalapit na bagyong “Bebeng”.

Hindi pinayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na maglayag ang mga barkong may 1,000 gross tonnage pababa at motorized banca sa rehiyon ng Bicol at Cebu.

Ito ay matapos itaas ang public storm signal 1 sa mga nasabing lugar.

Sinabi ni  Lt. Commander Algier Ricafrente, spokesman ng PCG, na pinakamaraming bilang ng mga stranded na pasahero ay sa Matnog, Sorsogon, na nasa 784.

Ito ay sinundan ng Pilar na may 150 at Bulan na may 116 pasahero.

Stranded din sa pantalan ng Tabaco, Albay ang 25 pasahero, 10 sa Victory  at Pio Duran at sa bayan naman ng Camarines Sur.

Sa bayan ng Pasacao ay nasa 52 ang stranded , samantalang  sa Sabang ay aabot naman sa 135.

Maging sa San Andres sa Catanduanes ay may 37 stranded. Sa Danao, Cebu naman ay nasa 50 ang stranded na pasahero.

Sa Bicol, aabot sa 15 barko, siyam na motorized banca, 22 pampasaherong bus, 19 na kotse at 44 na truck ang stranded.

Samantala, anim na domestic flight mula sa Maynila patungong Catarman at Cotobato ang kinansela.

Batay sa anunsyong ipinalabas ng Manila International Airport Authority media affairs division, kabilang sa mga kinanselang flights ang Air Philippines  flight 2P 029 patungong  Catarman, na nakatakdang umalis dakong  5:30 ng umaga at ang flight, 2P 030, na inaasahan sanang dumating ng 8:20 ng umaga.

Samantala ang Cebu Pacific flight 5J 711 patungong Catarman, na nakatakdang lumipad ng 5:05 ng umaga at ang pabalik na flight, 5J 712, na dapat dumating ng  9:05 ng umaga ay kapwa kinansela.

Mayroon pang dalawang flight ng Cebu Pacific mula sa Maynila na papunta at pabalik ng Cotabato ang kinansela.

Ang mga flight ay ang mga flight 5J 887 patungong  Cotabato, na aalis sana ng alas 10 ng umaga at ang pabalik na flight sa Manila na 5J 888, na dapat sanang dumating ng 1:50 ng hapon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply