Mahistrado ng Sandiganbayan pinagbibitiw

IGINIIT ng pitong kongresista sa mga mahistrado ng Sandiganbayan second division na magsipagbitiw na at gayahin ang ginawa ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Naniniwala ang Makabayan bloc sa Kamara na sinabotahe ng tatlong mahistrado na sina Presiding Justice Edilberto Sandoval, Teresita Diaz-Baldos at Samuel Martires ang gobyerno upang pagtakpan ang Garcia plea bargaining agreement.

Lumagda sa House Resolution 1237 ang pitong partylists representatives na sina Teddy Casino at Neri Colmenares ng Bayan Muna; Luz Ilagan  at Emmy de Jesus ng Gabriela; Rafael Mariano ng Anakpawis; Raymond Palatino ng Kabataan at Antonio Tinio ng Act Teachers.

Anila, malaking sampal  sa Kamara at Senado ang desisyon ng Sandiganbayan dahil hindi man lamang umano nito ikinonsidera ang mga ebidensyang inihain laban kay Garcia.

Matatandaan na inaprubahan ng Sandiganbayan 2nd Division ang plea bargain agreement na pinasok ng Ombudsman kay Garcia dahil nasunod daw nito ang lahat na kondisyon sa kasunduan.

Ibinasura rin ng Sandiganbayan ang motion for intervention na inihain ng Office of the Solicitor General upang harangin ang plea bargain deal kasabay ng pagbasura sa kahilingang mag-inhibit si Sandoval.

Nagbanta ang MAKABAYAN bloc na  kapag hindi  nagbitiw ang mga mahistrado ng Sandiganbayan ay ang taumbayan mismo ang magpapaalis sa kanila sa pwesto sa pamamagitan ng people power at pagsasampa ng kasong administratibo at krminal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply