Mainit na labanan sa pista ng Malamig

MAGHAHARAP sa entablado ang mga batikang mang-aawit at mananayaw sa Barangay Malamig sa Mandaluyong City sa Hunyo 7 sa gaganaping Sing & Dance Competition doon.

Ang patimpalak ay bahagi ng gagawing pagdiriwang ng Pista ng nasabing barangay sa ilalim ng pamunuan ni sportsman/politician Marlon Manalo.

Inaantabayanan din ng mga taga Barangay Malamig ang Search for Best Impersonator at Mr. Gay Barako sa Hunyo 8.

Magsisilbing highlight ng weeklong celebration ang Little Ms. Malamig sa Hunyo 9 at Ms. Barangay Malamig sa Hunyo 10.

Bilang pagtatapos ay magkakaroon ng Sayawan sa Barangay sa Hunyo 11 kung saan mayroong inimbitahang live band para tumugtog sa okasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply