Makinig sa babala sa heat stroke

MAKINIG sa babala ng mga kinauukulan ukol sa heat stroke. Huwag balewalain ang babala dahil tayo mismo ang mapipinsala.

Maaaring matamaan tayo ng heat stroke lalo na sa mga lugar na nakabilad tayo sa araw. Kung hindi maiiwasan ang pagpunta natin sa mga lugar na walang puno o sa mga lugar na bukas ang kalangitan sa oras na napakainit ang araw, hindi masamang magdala tayo ng mga payong, sombrero o anomang pampandong.

Para naman sa mga nagtitipid at ayaw sumakay sa mga airconditioned na sasakyan, magdala ng anomang pamaypay.

Ang heat stroke naman kasi ay hindi lang tumatama sa mga nakabilad sa araw. Tumatama rin ito sa loob ng bahay o sasakyan at ramdam na ramdam ito sa mga lugar na puro sementado ang mga istruktura sa paligid at puno ng usok at init ng sasakyan ang paligid din.

Meron pa ngang nakatatakot na sitwasyon. Pupuwedeng tamaan ng heat stroke ang mga driver ng mga sasakyan. Kapag tinamaan sila, nakatatakot isipin ang disgrasyang mangyayari. Paano halimbawa kung aararuhin ng malaking sasakyan ang ibang mga sasakyan, bahay o nagtitipontipon na tao?

oOo

Yang pagkakasakit dahil sa heatstroke ang isang mabigat din na isipin. Imadyinin na lang natin na pinakamababang halaga ang P40,000 araw-araw na gastos sa doktor at ospital kapag isinugod tayo sa ospital.

Sino-sino lang ang mga may kakayahan na bumalikat nito?

Para sa mga Bro natin na kinakapos, baka ma-stroke din ang mga miyembro ng pamilya sa malaking gastos. Paano kasi, maaaring magtagal sa ospital ang na-heat stroke.

Kung bakit sinasabi natin ito ay batay sa karanasan ng isang pamilya na ang tatay nila  ang na-heat stroke. Hindi rin naligtasan ng tatay ang heat stroke at nagpapasalamat ang pamilya sa doktor na nagtapat sa kanila na wala nang pag-asang mabuhay pa ang biktima.

Kung mabubuhay man, itoy gulay o comatose na.

Muntik nang i-hostage ng ospital ang bangkay ng namatay dahil sa malaking gastos sa isang linggo lang na pagkakaratay nito sa ospital.

Hinohostage ng mga ospital ang mga bangkay na may malaking pagkakautang lalo na sa mga suwapang na doktor at ganid na kompanya ng gamot at ospital.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply