Makulong dapat paghandaan ng mga Anti-RH bill

NAGBANTA ang dalawang batikang senador na paghandaan ng mga Anti-RH bill ang makulong at managot sa batas kapag tinugon ang panawagang civil disobedience.

Giit nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senadora Miriam Defensor Santiago, kapwa batikang abogado na karapatan ng mga anti-RH bill na maglunsad gaya ng civil disobedience subalit kailangan nilang managot sa batas kapag lagpas na sa limitasyon.

Sa panig ni Enrile na tutol sa RH bill, kanyang binigyang-diin na isang karapatan ang manawagan at sumunod sa kampanyang civil disobedience kung saan ginawa na nila ito noong Marcos regime.

Pero, maaaring maghabla aniya ang gobyerno laban sa mga matutukoy na lalabag sa batas dahil kung kukunsuntihin ito’y anarchy system ang kahahantungan ng bansa.

Ayon naman kay Santiago na pro-RH bill, kailangan handang makulong at makaladkad ng mga awtoridad kapag tinotoo ang civil disobedience, hindi man uubra ang harassment at arbitrary arrest ang mga tutugon dito kabilang ang ‘di magbabayad ng mga buwis, o haharang sa kalsada at lalabag sa batas-trapiko bilang paraan ng protesta laban sa RH bill.

Hiling ng dalawang senador, na daanin sa malawak at mahinahong debate ang RH bill kaysa palitan ng maaanghang na mga salita at pagbabanta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply