Malakanyang dedma sa pagdating ni Pacman

PATAY-MALISYA lang si Pangulong Benigno Aquino III sa pagbabalik sa bansa ni Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao matapos ang matagumpay na laban nito kay Sugar Shane Mosley.

Tiniyak  ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na wala sa iskedyul ng Chief Executive ang bigyan ng hero’s welcome o tugunan ang courtesy call mula sa kampo ni Pacman.

“Hindi ko po ‘yan nakita sa schedule. Iba po ‘yung item na nakita ko sa schedule,” ayon kay Valte.

Sa kabilang dako, nagpahatid na lamang ng birthday message ang Malakanyang sa ina ni Pacman na si Mommy Dionesia na kilala bilang Mommy D sa ika-62nd birthday nito sa Linggo, Mayo 15.

Excited na rin ang Malakanyang na mapanood ang susunod na laban ni Manny Pacquiao matapos talunin si Sugar Shane Mosley.

Tinuran ni Usec. Valte na  kasama nila ang sambayan na naghihintay sa muling pagpapasiklab ni Pacman.

Aniya, natutuwa sila sa pagbabalik-bansa ng boksingero at kaisa sila sa pagdiriwang sa panibago nitong tagumpay. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply