Malakas mamulutan tinarakan ng kainuman

KRITIKAL ang isang lalaki matapos tarakan ng kanyang kainuman na naasar sa pagiging malakas nito sa pulutan sa Malabon City, Sabado ng gabi, Mayo 28.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa likod si Ronaldo Dionisio, 50, ng Sitio Balut, Tonsuya, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Danny Boy Gabriel, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, dakong 9 ng gabi, nakikipag-inuman sa ilang kapitbahay ang biktima at ang suspek malapit sa kanilang bahay nang sitahin ni Gabriel na malakas sa pulutan si Dionisio.

Sinabihan din ni Gabriel si Dionisio na bumili ng pulutan subalit tumanggi ang biktima na ikinagalit ng suspek na nauwi sa pagtatalo.

Dito na binunot ng suspek ang dalang patalim at tinarakan ang biktima bago tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply