MALAMIG NA LANGIT (Ika-43 labas)

PRIVATE clinic ang kanilang napuntahan at tiyempong konti lang ang pasyente kaya madaling nasuri ng nakatalagang doktora ang kalagayan ni Almira.

Maya-maya’y nakangiting tiningnan nito ang dalaga at masayang kinamayan.

“Congratulation, misis. Nagdadalang tao ka na at two months ka nang buntis,” sabi nito.

Anyong natuwa rin si Almira at masayang binalingan si Donna.

Nakangiting nag-okey sign naman ang kaibigan.

Binayaran ng una ang consultation fee at umalis na sila ni Donna.

Masayang pangiti-ngiti si Almira habang nagbibiyahe sila ng una.

“May magandang sorpresa ako kay Romano. Tiyak na matutuwa siya sa ibabalita ko,” sabi niya sa kaibigan. “Baka nga mapasugod siya rito sa labis na katuwaan.”

“Suwerte sa atin ang batang isisilang mo, Almira,” sabi naman ni Donna.

“Palagay ko. Patuloy kasi sa pagganda ang business natin,” sagot naman ng buntis na dalaga.

“Yayain mo nang pakasal si Romano. Bago lomobo ang tiyan mo, dapat na sigurado na ang magiging ama ng iyong dinadala.”

“Tatawagan ko siya mamayang gabi. Hindi puwede ngayon dahil nasa oras siya ng trabaho. Baka makadisgrasya siya ng pasyente sa labis na katuwaan,” sagot naman ni Almira.

KUMAKAIN sina Romano at Charlene sa mga sandaling iyon.

Galing na sila sa Manila Cathedral at Manila Hotel at nagpa-reserve ng schedule para sa kanilang wedding.

Galing na rin sila sa isang sikat na coutorier at nagpasukat ng damit pangkasal na isusuot ni Charlene.

May sariling mananahi si Romano para sa terno na kanyang isusuot.

Nanggaling na rin sila sa isang imprenta at ipina-rush  ang kanilang wedding invitations.

Binigyan sila ng two days para makuha ang kanilang order.

Gutom at pagod pero hindi makakain si Charlene.

Ang nalalapit na pagpapakasal nila ni Romano ang laman ng kanyang isipan.

“Nasa ayos na ang lahat. Ang ganda siguro ng wedding natin,” parang nangangarap na sabi ng future bride.

“Matagal-tagal pa rin ang hihintayin natin bago ang araw ng ating kasal. Kumain ka na. Baka kung kailan oras ng ating kasal, may sakit ka naman!” sabi ni Romano.

Biglang tiningnan ng dalaga ang future husband.

“May napapansin ako sa iyo. Parang hindi ka excited sa pagpapakasal natin. Parang wala lang
ito sa iyo, e! Ano bang problema mo?” pormal na tanong ni Charlene sa lalaki.

“Okey lang ako! Hindi lang ako showy na katulad mo. But deep inside, natutuwa rin ako sa nalalapit nating kasal,” dahilan ni Romano.

Hindi na nagtanong pa ang babae.

Pailing-iling na nagsimulang kumain.

Nang matapos silang kumain, ayaw pang umuwi ni Charlene.

May pupuntahan daw sila.

“S-Saan?” tanong ni Romano.

“Saan mo ba ako niyaya kapag sinusumpong ka ng kamanyakan?” yamot na tanong ng babae sa lalaki.

Madaling nahulaan ng lalaki ang lugar na sinasabi ng babae.

Motel.

Naiintindihan niya si Charlene kung bakit sobrang hot.

Naglilihi kasi siya at ang mga ganitong babae, sobrang init sa seks.

“W-Wala ako sa mood, e!” sabi niya.

“Parang matanda ka na at pa-mood-mood ka pa. Kapag nasa motel na tayo, pag-iinitin kita hanggang sa bumalik ang libog mo,” deretsong sabi ng babae.

Walang nagawa si Romano kundi pagbigyan si Charlene.

Nang may madaanan silang motel, kaagad niyang ipinasok ang kotse sa gate nito.

Saglit pa’t nasa harap na sila ng information ng nasabing motel.

Kumuha ng airconditioned room ang binata.

Habang patungo sila rito, halatang atat na atat na ang babae sa kanilang gagawin.

Mahigpit na nakayakap si Charlene sa bewang ni Romano habang sila ay naglalakad sa corridor ng motel.

Hanggang sa makapasok sila …

Hangos itong isinara ng babae saka gigil na pumulupot sa asawa.

Sinakmal ng halik ang mga labi ng lalaki …

Pinangatawanan ang sinabi na pagbabagahin niya ang damdamin ni Romano. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply