MALAMIG NA LANGIT (Ika-44 labas)

PARANG walang epekto kay Romano ang ginagawang pagsisikap ni Charlene.

Hindi siya naa-arouse …

Parang wala lang …

Ni hindi nga natitigatig ang kanyang big bird.

Nakayakap lang siya sa nobya para hindi ito ma-offend.

Maya-maya’y nangangaykay  ang katawan sa pananabik na bumitiw ang babae sa lalaki.

Hangos na naghubad …

Nagalit ang babae nang makitang nakatanga lang si Romano.

Wala nang kasaplot-saplot si Charlene sa mga sandaling iyon.

“Ano’ng itinutunganga mo riyan? Istorbo ang suot mo sa gagawin natin. Maghubad ka na rin!” singhal niya sa lalaki.

Napilitang maghubad na rin ng suot na damit ang binata.

Gulat si Charlene nang makitang walang reaksiyon ang alaga ni Romano.

Sa halip na nakatindig, parang lantang gulay na nakalawit sa pagitan ng mga hita ng binata.

“B-Bakit ganyan iyan? Akala ko, kanina pa gising ang buwisit na iyan!” galit na sabi ng babae.

“Sabi ko naman sa iyo, wala ako sa mood,” matamlay na sagot ni Romano.

Inis na bigla siyang itinulak pahiga sa kama ng dalaga.

“Pag hindi bumangon iyan sa gagawin ko, ewan ko lang,” sabi ni Charlene.

Nang nakahiga na, dalawang kamay na biglang hinawakan ng babae ang alaga ng binata.

Pinisil-pisil …

Baba-taas na hinimas …

Dedma pa rin ang alaga ni Romano …

Nawala na ang pagkadoktor ni Charlene sa mg sandaling iyon …

Nagmistula na siyang pornographic star …

Walang pangiming isinubo niya ang alaga ni Romano …

Gusto niya itong gisingin sa loob mismo ng kanyang bibig.

Pero nabalewala lahat ang effort niya …

Mistulang lantay petsay pa rin ang alaga ni Romano ng kanyang iluwa.

Inis na inis si Charlene …

Napaiyak na sa sobrang buwisit …

Hindi naman maintindihan ng lalaki kung bakit ayaw siyang tigasan.

Pilit niyang inalo ang dalaga …

Ipinatong niya ang isang kamay sa balikat nito …

“P-Pasensiya ka na. Next time ka na lang bumawi,” sabi niya sa babae.

Biglang iwinaksi ni Charlene ang kamay ni Romano.

Ang sama ng tingin sa kanya ng dalaga …

Sa halip na mag-alaala, natawa ang binata.

Ganito pala ang hitsura ng babae na nabitin sa seks.

Parang gustong pumatay ng tao.

Biglang iniwan ni Charlene ang binata.

Pumasok siya sa banyo at naligo …

Nagbabad sa malamig na tubig.

Sa ganitong paraan niya hinayaang humupa ang nagbabagang init ng kanyang katawan.

Normal na ang pakiramdam ni Charlene nang lumabas sa banyo.

“Wala rin lang mangyayari sa atin sa lugar na ito, umuwi na tayo,” pormal na sabi niya kay Romano at nagsimulang magbihis.

Walang imik na nagbihis na rin ang binata.

Ilang saglit pa at lulan na sila ng kotse ng lalaki palabas ng compound ng motel.

“Next time, huwag kang haharap sa akin na palambot-lambot ang ‘ano’ mo. Kung hindi ko rin lang iyan mapakikinabangan, guguntingin ko iyan!” pabiro pero pormal na sinabi ni Charlene.

Tumawa si Romano.

“Ang laki ng ipinagbago mo,” sabi ng binata. “Noo’y hindi makabasag pinggan ang dating mo nang makatikim ka ng seks ay bigla kang nag-iba,” sabi ng binata.

“Ano?” madilim ang mukhang baling ng dalaga sa lalaki.

“Malupit ka na ngayon. Makabasag kaldero na ang style mo!” tumatawang sabi ni Romano.

Inis na bigla siyang pinagkukurot sa tagiliran ni Charlene. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply