MALAMIG NA LANGIT (Ika-45 labas)

NAKATAWA pero buwisit na pinagkukurot ng dalagang doktora sa tagiliran ang nobyo.

“Mainit ka pa sa pato. Ang libog mo na ngayon, Charlene,” tumatawang sabi ni Romano.

Parang batang pinaghahampas ng dalaga sa balikat ang lalaki.

“A-Aray … tama na! Baka mabangga tayo!” saway ni Romano sa kasintahan.

Saka pa lang tumigil sa pamimingot ang dalaga.

Sumandal sa upuan …

Nagsimulang mangarap …

“Gusto na magkaroon ng malaking pamilya para masaya,” sabi niya.

“Gaano kalaking pamilya?” tanong ni Romano.

“Kahit sampu ang maging anak natin, okey lang sa akin,” nakangiting baling sa kanya ni Charlene.

Napangiwi ang binata.

“S-Sampu? Mahilig ka talaga. Ayaw mong mapahinga ang ‘ano’ mo sa kahahataw ko. Masakit sa bewang ang gusto mong mangyari!” biro ni Romano.

Inis na muling pinagkukurot ni Charlene sa tagiliran ang nobyo.

“Kakainis ka talaga!” sabi ng dalaga.

Nakarating sila sa bahay ng una na patuloy ang paghaharutan.

Umibis si Charlene sa kotse.

“Hindi ka na ba bababa? Dito ka na mag-dinner!” alok ng dalaga.

“Busog pa ako sa kinain natin kanina. Isa pa, nakakahiya na. Lagi na lang akong kumakain sa inyo at pati ikaw ay kinakain ko gayung hindi pa tayo kasal!” pabirong tugon ng binata.

Inis na biglang lumipat sa tabi ng driver’s seat ang dalaga.

Pero sa halip na pagkukurutin ang nobyo, bigla itong hinalikan sa lips.

Matagal.

“Next time, pagsabihan mo ang alaga mo. Ayoko nang patulog-tulog. Pag oras ng laban, kailangang sumaludo kaagad,” nakangiting sabi ng babae kay Romano bago pumasok sa gate ng kanilang bahay.

Ngumiti lang ang lalaki.

Hinintay ni Charlene na umalis ang kotse ng binata bago pumasok sa kanilang bahay.

Deretso na ng uwi si Romano.

“Kumain na kami ni Charlene sa labas. Kayo na lang ni Mang Akong ang maghapunan,” sabi niya kay Aling Melinda na nakitang nakaupo sa salas.

Dumeretso na sa kanyang kuwarto ang binata.

Nagpalit ng damit pantulog …

Kahit hindi inaantok, gusto na niyang mahiga sa kama.

Nakahiga na siya nang biglang mag-ring ang telepono sa kalapit.

Iniisip niyang ang makulit na future wife ang tumawag pero nagkamali siya.

Ibang numero pero pamilyar sa kanya …

Numero ng telepono ni Almira.

Bigla siyang nagdalawang isip na sagutin ang tawag …

Nahihiya at feeling guilty ang binata.

Pero nagpatuloy sa pag-ring ang telepono.

Hindi man siya makausap ngayon ni Almira, tiyak na sa ibang araw ay tatawagan ulit siya ng dalaga.

Kailangang makipag-showdown na siya sa babae.

Huminga muna siya ng malalim bago dinampot ang telepono.

“Kanina pa ako tumatawag pero hindi ka sumasagot, Nasaan ka ba?” tanong ni Almira.

“Kararating ko lang. Sorry kung ngayon lang kita nasagot,” sagot ni Romano na may kasamang paghingi ng paumanhin. “Bakit ka ba tumawag?”

“May good news ako sa iyo!” masayang sabi ni Almira sa kabilang linya.

“Ano?”

“Guess what?”

“Payaman ka na dahil umaasenso na ang business ninyo ni Donna!”

“You’re right! Pero hindi iyan ang good news na sinasabi ko.”

“A-Ano ba?”

“Two months na akong buntis. Magiging ama ka na, Romano,” masayang sagot ni Almira.

Parang may malakas na bomba na sumabog malapit sa tenga ng binata dahil sa narinig.

Biglang pinanlamigan ng katawan ang binatang siruhano.

“Kailangang may magisnang ama ang isisilang ko. Kaya bago lumaki ang tiyan ko, dapat na magpakasal na tayo, Romano!” patuloy ni Almira. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply