MALAMIG NA LANGIT (Ika-47 labas)

masama, pare. Pero bakit hindi ninyo sinabi sa akin ang tungkol dito?” pormal na tanong ni Romano kay Louie.

“We want to surprise you, pare. Hindi ko alam na hindi mo pala maa-appreciate ang ginawa namin,” sagot ni Louie.

“No! Walang masama sa ginawa ninyo at nagpapasalamat ako sa inyo, pare,” garalgal ang tinig na sagot ng binata.

Hindi nagsalita ang kaibigan.

Pailing-iling na lumayo na lamang.

Makalipas ang ilang minuto, dumating si Charlene at kinompronta si Romano.

“Sabi ni Louie, parang sumama raw ang loob mo nang malamang mong ipinadiyaryo nila ang ating kasal. Why?” tanong ng nobya.

“No! Na-misinterpret lang niya ako. Nagpasalamat nga ako sa ginawa nila,” nakangiting sagot ng binata.

Anyong hindi naniniwala sa kanyang sinabi na tinitigan ni Charlene si Romano.

“Parang gusto mong itago ang pagpapakasal natin. May problema ka ba?” tanong pa ng nobya.

“Wala! Ano ba’ng pinagsasabi mo? I have nothing to explain!” mataas ang boses na sagot ng binata.

Lumayo na ang dalaga para magtungo sa kanyang clinic.

Palingon-lingon sa nobyo …

Anyong hindi makapaniwala sa inasal nito.

Nang wala na si Charlene, nagsimulang atakehin nang pag-aalaala si Romano.

Parang lalagnatin ang kanyang pakiramdam.

Dasal niya na hindi mabasa ni Almira ang announcement ng wedding nila ng dalagang doktora sa mga pahayagan.

Sa totoo lang, imposible talagang mabasa ng dalaga ang nalalapit na pagpapakasal nila ni Charlene …

Hindi kasi siya mahilig magbasa ng diyaryo.

Pero ang kaibigang si Donna ang nakabasa …

Nasa KTV bar kung saan ay magkasosyo sila ni Almira ang babae.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabasa ang wedding pronouncement nina Romano at Charlene sa diyaryo.

Hindi sana niya ito papansinin pero bigla siyang nagkainteres nang makita ang picture ng binata.

“Boyfriend ito ni Almira, ah! At ikakasal na pala siya sa iba. Paano na ang kaibigan ko?” tanong sa sarili ni Donna habang hawak ang isang tabloid na diyaryo at pinagmamasdan ang magkatabing larawan ng magandang pareha na nakataksang ikasal.

Ayaw niyang tawagan ang kaibigan.

Hinintay ni Donna ang pagpasok ni Almira.

Gusto niyang personal na malaman ng kaibigan ang pagtataksil ng ama ng kanyang dinadala.

Hindi naman nagtagal at dumating na ang kaibigan.

Blooming na blooming ang dating …

Anyong inspired na inspired.

Nagtaka si Almira nang makitang parang nanlulumo ang kaibigan.

“Parang nalugi sa negosyong taho ang hitsura mo, e ang dami naman ng kostumer natin? May problema ka ba, friend?” tanong niya sa kaibigan.

“Hindi ako ang may problema kundi ikaw. At naaawa ako sa iyo, Almira,” malungkot na sagot ni Donna.

“Hindi yata kita maintindihan!” kunot-noong sabi ng dalaga.

Sa halip na sumagot, binuksan ng una ang pahina ng diyaryo kung saan nabasa ang wedding pronouncement  with matching pictures.

“Look at this!” sabi ni Donna sa kaibigan sabay turo sa portion kung saan naroon ang magkatabing pictures nina Romano at Charlene.

Mataman naman itong pinagmasdan ni Almira.

Maya-maya’y nagsimulang magbago ang timpla ng mukha ng dalaga kasabay ang pagbalong ng masaganang luha sa mga mata.

“K-Kaya pala ayaw akong pakasalan ni Romano, dahil ibang babae ang gusto niyang mapangasawa,”  umiiyak na sabi ng babae.

Biglang tumayo si Donna at niyakap si Almira.

Ibinigay niya ang balikat sa kaibigan para iyakan.

“N-Niloko ako ni Romano. Niloko niya ako!” hagulhol na sabi ng dalaga.

Hindi malaman  ni Donna kung paano aaluin ang kaibigan …

Hinaplos nang hinaplos na lang niya ang likod ni Almira. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply