MALAMIG NA LANGIT (Ika-53 labas)

HINDI magawang mangako ni Romano kay Charlene.

May nararamdaman siyang agam-agam …

Parang kinakarma siya ni Almira …

Dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa unang kasintahan, binawian siya ng tigas-armas.

Hindi na niya magawang utusan ang alaga …

Samantalang noon, may kusa itong palo at basta na lang tumatayo …

Pero ngayon, kahit yata uminom siya ng viagra ay hindi tatalab sa kanya.

Kaya gusto niyang ituloy ang drama na may sakit siya kahit wala.

Sa mga sandaling iyon, panay ang doorbell ni Donna sa bahay ni Almira.

Hindi kasi pumasok ang kaibigan sa KTV bar kagabi kaya nag-aalaala siya na may nangyari sa kaibigan.

Bukod sa pag-doorbell, dumampot siya ng bato at binayo nang binayo ang pintuan.

Maya-maya’y marahan itong bumukas …

Anyong inaantok pa si Almira …

Gulong-gulo ang mahabang buhok.

“Tuloy ka,” tinatamad na alok ng una.

Pumasok si Donna …

Nauna pang maupo sa kanya si Almira.

“Naglasing ka kagabi kaya hindi ka pumunta ng KTV Bar, ano?” tanong ng una sa kaibigan.

“Ano ba ang ini-expect mo na gagawin ko? Kasal ni Romano kahapon kaya nag-celebrate akong mag-isa. Ipinagdiwang ko ang kamatayan ng puso ko!” nakabagsak ang ulo na sagot ng dalaga.

“Gaga! Hindi siya lang ang lalaki. Makakakuha ka pa nang higit sa kanya. At saka, hindi maganda ang ginagawa mong paglalasing. Nakalimutan mo na ba na buntis ka? Makakasama sa iyong dinadala ang alak,” sagot naman ni Donna.

Hindi sumagot si Almira.

Nakalungayngay ang ulo.

Tulog na ulit ang kaibigan.

Napailing-iling si Donna.

Awang-awa siya kay Almira.

Hinayaan niyang matulog na lang sa sofa ang kaibigan.

Nagpunta siya sa kusina.

Wala kahit ano’ng left overs ng pagkain kahapon.

Meaning alak ang inalmusan ng kaibigan.

Binuksan niya ang ref …

May nakita siyang buto-buto ng baboy.

Ipinaglaga niya si Almira para may mahigop na mainit na sabaw.

Nagsaing na rin siya sa rice cooker.

Nang maiayos na ang niluluto, naglagay siya ng mainit na tubig sa planggana at kumuha ng face towel sa banyo at binalikan ang kaibigan.

Pupunasan niya sa Almira para guminhawa ang pakiramdam.

Luto na ang nilaga ni Donna nang pilitin niyang gisingin ang kaibigan.

Isinama niya ito sa kusina para pakainin.

Anyong natauhan si Almira matapos makahigop ng mainit na sabaw.

“Sa kalagayan mo ngayon, mahirap na nag-iisa ka. Kung pumisan ka kaya muna sa akin sa bahay para may kasama ka?” alok ni Donna sa kaibigan.

“Nakakahiya naman sa iyo,” sabi ni Almira.

“Bakit ka naman mahihiya ay magkasosyo tayo sa negosyo? Saka kung magkaano ang magiging gastos ko sa bahay, aawasin ko sa kita natin ang iyong kontribusyon!” sabi ni Donna.

“Mabuti pa nga siguro na sumama ako sa iyo. Mamamatay ako sa lungkot sa bahay na ito.
Palagi ko kasing naalaalala si Romano noong magkasama kaming namumuhay dito,” sabi ni Almira.

“Kung gayun, pagkatapos mong kumain ay maggayak ka na. Sa bahay ka na titira simula sa araw na ito,” sagot naman ni Donna.

SAMANTALA, pagkatapos kumain ay nahiga na ulit sa kama si Romano.
Kinarir na ang drama na may sakit siya.

Mas mabuti na ang ganito kaysa ayain siya ni Charlene na magseks sila pero ayaw namang tumayo ng burat niya.

Mapapahiya lang siya.
Banas na banas naman ang babae pero walang magawa kundi ang magtiis. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply