MALAMIG NA LANGIT (Ika-54 labas)

EFFECTIVE ang drama ni Romano na maysakit siya.

Hindi siya pinilit ni Charlene na makipagseks sa kanya.

Pero apektado ang trabaho niya ng kanyang drama.

Hindi rin siya pumasok.

“Mula yata nang ikasal kayo ni Romano, humina ang piyesa niya. Naging masasakitin. Masyado mo yata siyang pinupuwersa,” biro ni Louie kay Charlene sa ospital.

Umingos ang batam-batang doktora. Hindi masabi ang totoong dahilan.

Iba ang pabiro na isinagot.

“Ang tanging kasalanan na nagawa ko, hindi ako maramot. Basta’t kinalabit niya ako, tanggal kaagad ang panty,” sabi ni Charlene.

Sambulat ang tawanan ng mga kasamahan niya sa ospital. Pero sa totoo lang, lihim na badtrip ang babae.

Matagal na siyang bitin kay Romano. Sabik na sabik na siya sa dyug pero hindi puwede ang asawa.

May sakit …

Sabi niya.

Pero kung nagdradrama lang si Romano, sa ano’ng dahilan?

Walang maisip si Charlene kaya wala siyang magawa kundi maniwalang may sakit talaga ang asawa.

Isang hapon, paglabas ng ospital ay hindi muna dumiretso ng uwi sa kanilang bahay ang babae.

Naisipan muna niyang dumaan sa mall.

Kahit hindi pa halata ang kanyang pagbubuntis, nag-window shopping na siya ng mga gamit ng bata.

Gusto niyang malaman kung ano ang mga bibilhin niya na gamit ng bata kapag malaki na ang kanyang tiyan.

Habang palinga-linga, napabangga sa kasalubong si Charlene.

Isang lalaki ang nabangga niya…

Karaka naman itong nag-sorry …

Hindi kaagad nagsalita si Charlene …

Nakatingin sa guwapong mukha ng lalaki …

Parang pamilyar kasi sa kanya ang mukha nito pero hindi niya matandaan kung sa-an ito nakita.

Ito ang unang nakatanda sa kanya …

“C-Charlene… ikaw si Charlene, hindi ba?” masa-yang bulalas ng lalaki.

“B-Bernard… lintik ka … hindi kaagad kita nakilala!” ma-saya ring sabi ng babae.

Hindi nila napigilan ang sarili. kahit maraming tao ay bigla silang nagyakap.

Childhood sweethearts ang dalawa.

Nagkahiwalay lang sila nang mag-migrate sa America ang mga magulang ng lalaki.

Humantong sa isang kai-nan ang kumustahan ng da-lawa.

Binata pa rin si Bernard hanggang ngayon at walang girlfriend.

Ang dahilan ng binata, ina-asahan niyang madadatnan pang malaya si Charlene para ituloy ang kanilang naudlot na pag-iibigan.

Biglang nalungkot ang bi-nata nang malamang may asawa na ang ex-girlfriend at tatlong buwan nang buntis.
“Kumusta na ang marriage life mo? Masaya ka ba?” ta-nong ni Bernard kay Charlene.
Hindi makaimik ang babae.

Paano niya ipagmamalaking masaya siya sa piling ni Romano ay ginugutom siya sa seks?

“Okey lang!” matipid ni-yang sabi.

“Nagsisinungaling ka. Na-babasa ko sa iyong mga mata na hindi ka maligaya,” without batting ang eyelash na sabi ni Bernard.

Hindi umimik si Charlene.

“Kung hindi ka magiging masaya sa piling ng asawa mo, iwanan mo siya at tayong dalawa ang magsama. Tiniti-yak ko sa iyo na magiging maligaya ka sa piling ko,” pa-tuloy ng lalaki.

“Kaya mong tanggapin pati ang ipinagbubuntis ko?” ta-nong ni Charlene.

“Lahat ng mahalaga sa iyo, mamahalin ko na rin tulad ng pagpapahalaga ko sa iyo,” sagot naman ng lalaki.

Napatitig ang babae sa mukha ni Bernard at nakita niyang seryoso ang una sa kanyang sinasabi.  Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply