MALAMIG NA LANGIT (Ika-55 labas)

NATAKOT si Charlene sa matapat na alok ni Bernard.

Hindi pa natatagalan na nakakasal sila ni Romano at ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na hiwalayan ang ama ng kanyang dinadala.

“Thank you, Bernard. Hindi ko kayang hiwalayan ang asawa ko,” sagot ng babae.

“Hindi kita minamadali pero handa akong maghintay, Charlene. At sakaling magbago ang isip mo, tawagan mo lang ako,” sabi ng lalaki sabay bigay ng telephone at cellphone number sa babae.

Matapos silang kumain, naghiwalay na sila.

Hindi na nagpahatid si Charlene sa dating kasintahan.

May sarili kasi siyang sasakyan.

Bukod dito, hindi magandang tingnan na may asawa na siyang tao, nagpapahatid siya pauwi sa isang lalaki at ex-boyfriend pa niya.

Nang dumating siya sa kanilang bahay, nadatnan niya si Romano na nakaupo sa salas.

Nanonood ng palabas sa telibisyon.

Nilapitan ni Charlene ang asawa …

Dinama ng isang kamay ang leeg …

“Magaling ka na?” tanong niya.

“Medyo!” matipid na sagot ng lalaki.

“Iligo mo iyan mamaya. Mag-hot shower ka,” sabi ng babae at umakyat na sa itaas para magpalit ng damit.

Makalipas ang ilang minuto, muling bumaba ng hagdanan si Charlene.

Tinabihan si Romano …

Malambing na humilig sa balikat nito.

“Dapat ka nang magpagaling. Marami ka ng utang sa akin sa kama. Kahit porsiyento man lang, dapat na makabayad ka,” anas niya sa lalaki.

Hindi sumagot si Romano …

Pinakikiramdaman ang sarili.

Lihim siyang nagtataka sa sarili …

Ganitong nilalambing siya ng maganda at batambatang misis, dapat ay karakang mag-react ang kanyangn pagkalalaki.

Pero dedma ito kay Charlene.

Hindi tuloy maiwasang kabahan ni Romano …

Baka kasi nagbalik na ang sakit niya na necrophilia.

Nasa gayun silang ayos nang lumabas mula sa kusina si Aling Melinda.

Naka-ready na raw ang hapunan.

Naunang tumayo si Charlene at hinila patayo si Romano.

Nakayakap sa bewang ng asawa na nagtungo sila sa kusina.

Masarap ang nilutong ulam ni Aling Melinda.

Bulalo at pritong lapu-lapu.

Asikasong-asikaso ni Charlene ang asawa …

Kulang lang ay subuan niya si Romano.

Hindi tuloy maiwasan ni Aling Melinda ang mapangiti kapag napapatingin sa kanila.

Sa palagay niya, napakapalad ng kanyang amo dahil nakatagpo ng babae ng mahal na mahal siya.

Matapos kumain, saglit lang silang nagpahinga at bumalik na sila sa salas.

Ipinagpatuloy nila ang panonood ng palabas sa telibisyon.

Maya-maya’y tumayo si Charlene at nagtungo sa kusina.

Nang bumalik, may dalang energy drink …

Iniabot kay Romano.

“Inumin mo iyan para manumbalik ang energy mo,” sabi ng babae.

Walang kibong inabot ng lalaki ang botelya na iniabot ni Charlene.
Lihim siyang kinakabahan …

Alam niya ang dahilan kung bakit inaasikaso siya nang husto ng asawa.

Dahil pagbalik nila sa kanilang kuwarto, bibigyan siya nito ng trabaho.

Patungga-tungga na ininom ni Romano ang energy drink.

Bago niya ito naubos, tumayo na si Charlene.

“Mauuna na ako sa room natin. Maliligo na ako para malinis at mabangong-mabango sa pagsisiping natin,” nakangiti at makahulugang sabi ng babae. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply