MALAMIG NA LANGIT (Ika-57 labas)

NAINIS na si Charlene.

Biglang iwinaksi ang hawak na ari ng asawa.

“Bakit ayaw tumigas? What’s wrong with your dick, Romano?” yamot na tanong ng babae.

“Ewan ko ba! Kahit ako, hindi ko maintindihan ang nangyayari sa sarili ko,” malungkot na sagot ng lalaki.

Matagal nang bakante, ayaw pumayag ni Charlene na walang mangyayari sa kanila ni Romano sa gabing iyon.

Padabog na umalis siya sa kama …

Hangos na lumabas ng kuwarto.

Nang bumalik, may hawak na isang basong tubig ang kanang kamay habang kapsula naman ang kaliwa.

“Inumin mo ito!” sabi ni Charlene sabay abot ng gamot sa lalaki.

“A-Ano iyan?” kunot-noong tanong ng asawa.

“Viagra! Kapag hindi ka pa tinayuan, may diperensiya ang pagkalalaki mo, Romano,” pormal na sagot ng babae.

No choice ang lalaki kundi inumin ang pampalibog na ibigay ni Charlene.

Isinubo niya ang gamot bago tinulakan ng tubig.

Hindi kaagad siya pinansin ng babae …

Nagpalipas muna ng ilang sandali …

Makalipas ang ilang minuto, tinanong ng babae ang lalaki.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Charlene.

Hindi sumagot si Romano.

Biglang kinapa ng babae ang harapan ng lalaki.

Hindi na nakapagpigil si Charlene.

Nagmura.

“Hindi ko maintindihan kung ano’ng klaseng ari meron ka, Romano. Pina-take na kita ng Viagra pero wala pa ring nangyari. Kung alam ko lang na ganyan ka, kahit nabuntis mo ako ay hindi ko hahangaring magpakasal sa iyo,” galit na sabi ni Charlene.
Walang masabi, hindi kumibo ang lalaki.

Inis na natulog ang babae na nakatalikod kay Romano.

Hindi naman dalawin ng antok ang una.

Magdamag niyang pinag-iisipan kung ano ang nangyayari sa kanyang sarili.

Mainit ang ulo ni Charlene kinabukasan …

Hindi siya nag-almusal …

Uminom lang ng mainit na kape at umalis na …

Hindi na niya hinintay si Romano.

“Mukhang mainit ang ulo mo, iho. Hindi na nag-almusal, hindi pa sumabay sa iyo pagpasok.
Nag-aaway ba kayong dalawa?” tanong ni Aling Melinda sa amo nang dumulog na ito sa harap ng almusal.

Malungkot na napailing-iling si Romano.

“Parang nagbabalik ang dati kong problema, Aling Melinda. Nakarma yata ako sa ginawa kong pagtalusira sa usapan namin ni Almira,” pagtatapat ng binata sa matandang kasambahay.

“A-Ano ang ibig mong sabihin, iho?” kunot-noong tanong ni Aling Melinda.

“Hindi ko mapaligaya si Charlene. Iyon ang dahilan kung bakit nagagalit siya sa akin.”

“Ibig mo bang sabihin, iho … patay na babae na naman ang gusto mo?” nakamaang na tanong ni Aling Melinda.

Ang tanong na iyon ni Aling Melinda kay Romano, napasukan ni Mang Akong.

“Mukhang nagkamali ka ng pagpapakasal kay Charlene, iho. Naghangad ka ng kapwa degree holder pero useless kung hindi naman kayo parehong magiging masaya,” sabad ng matandang lalaki.

Kulang lang ay sabihin ni Mang Akong na si Almira ang dapat niyang tinuluyan pero hindi naman sinabi ng matandang lalaki.

Matamlay na itinuloy ni Roman ang pag-aalmusal.

Pero makaraang sumubo ng ilan ay umayaw na.

Nagpaalam siya sa mag-asawa na papasok na sa ospital.

Pailing-iling na hatid siya ng tingin ng mag-asawa.

Nang dumating sa ospital si Romano, pasimpleng sinalubong siya ni Louie.

“Hindi sa nakikialam ako pero tila may problema kayo ni Charlene. Dumating siya rito pero walang kinakausap. Deretso siya sa kanyang clinic,” sabi ng kaibigan.

Malungkot na tiningnan ni Romano si Louie.

Napailing-iling naman ang huli sa nakitang lungkot sa mga mata ng kaibigan. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply