MALAMIG NA LANGIT (Ika-58 labas)

“HINDI ko nakakalimutan. Ganyan ka noong may sakit ka pa na necrophilia. Huwag mong sabihing nagbalik ang dati mong karamdaman, pare?” tanong ni Louie kay Romano.

“Parang ganoon na rin, pare. Wala na akong nararamdamang passion para sa patay na babae pero hindi ko naman mapaligaya si Charlene. Iyon ang dahilan kung bakit nagagalit siya sa akin,” malungkot na pagtatapat niya sa kaibigan.

“A-Ano ang ibig mong sabihin?”

“Nakakahiyang aminin pero wala naman akong ibang daingan kundi ikaw tuwing may problema kaya sasabihin kona sa iyo ang totoo, pare. Hindi ko maibigay ang pangangailangan ng asawa ko dahil hindi ako tinitigasan,” malungkot na sagot ni Romano.

Natigilan si Louie.

Nararamdaman niya ang bigat ng problema ng kaibigan.

Bigla siyang nag-isip.

“Palagay ko, hindi ang katawan mo ang may problema kundi ang iyong isipan. Bakit hindi ka magpatingin sa isang psychiatrist, pare?” suhestiyon ni Louie sa kaibigan.

Hindi umimik si Romano pero tanggap niya ang payo ng una.

Nasa kanyang clinic si Charlene.

Nagpapaka-busy sa pag-aasikaso sa kanyang mga pasyente ….

Pero kapag nag-iisa na lang siya, nakatitig siya sa kawalan.

Sakbibi nang matinding pag-iisip.

Nang biglang mag-ring ang telepono sa ibabaw ng kanyang table.

Sinagot niya ang tawag …

“B-Bernard, ikaw pala! Bakit ka tumawag?” gulat pero excited na tanong ng babae.

“Wala kasi akong magawa rito sa bahay. Gusto lang kitang kumustahin kaya kita tinawagan,” sagot naman ng binata.

“Kung ang gusto mong malaman ay kung masaya ako, I’m sorry to tell you na hindi,” sagot naman ni Charlene.

“Why?”

Hindi sumagot ang babae.

“Iresponsable bang asawa si Romano?” tanong ni Bernard.

“No!” sagot ni Charlene.

“Nagkukulang siya ng sustento sa iyo financially?”

“Hindi pinansiyal ang problema naming mag-asawa,” sagot ng babae.

“Ano?”

Hindi ulit sumagot ang babae.

“How about sexual problem? Tell me if I’m wrong!” patuloy ng binatang balikbayan.

“You’re absolutele right, Bernard. At napakabata ko pa para gutumin ko ang aking sarili sa seks,” malungkot na sagot ni Charlene.

“Hindi ko ito iniuutos sa iyo pero kung hindi mo na kayang tumagal sa piling niya, leave him. Sumama ka na sa akin pagbalik ko sa US. Doo na tayo tumira and I promise you, paliligayahin kita all the rest of your life, Charlene,” pangako ng lalaki.

Biglang ibinaba ng babae ang hawak na telepono.

Sa totoo lang, nasa isip na niya ang alok ni Bernard.

Talagang kapag napuno na siya kay Romano, mapipilitan siyang iwan na ito at sasama na siya kay Bernard.

Naputol ang malalim na pag-iisip ni Charlene nang kumatok sa pintuan ng kanyangn clinic ang isang dalagita na tauhan sa canteen.

May dala itong softdrinks at sandwich.

“Ipinadala ni Dr. Santamaria., Mam. Magmeryenda ka raw muna para hindi ka malipasan ng gutom,” nakangiti nitong sabi.

“Thanks!” matipid niyang sabi.

Makaraang ibaba ang meryenda sa table ng doktora, lumabas na sa kanyang clinic ang tagapagsilbi sa canteen.

Kumagat lang ng sandwich at uminom ng konting softdrinks si Charlene.
Tapos na ang kanyang meryenda.

HAPON. Uwian, dinaanan ni Romano ang asawa sa clinic nito pero hindi raw ito sasabay sa kanya.

Ang dahilan, pareho silang may dalang sasakyan. Bukod dito, dadaan pa umano siya sa mall at may bibilhin. Pinauuna na niyang umuwi ang asawa. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply