MALAMIG NA LANGIT (Ika-62 labas)

“BAGO ka mag-isip ng masama, gusto kong malaman mong dumaan ako sa bahay nina Mommy kaya ginabi ako ng uwi,” naisip na idahilan ni Charlene sa asawa.

Hindi na umimik si Romano.

Kung totoong dumalaw ang asawa sa bahay ng kanyang mga biyenan, bakit siya magagalit?

Walang masama sa ginawa niya.

Tunay na magulang sila ni Charlene.

“Kumain ka na ba?” ang naisipan na lang niyang itanong.

“Sa bahay na ako kumain!” malamig na tugon ng babae at umakyat na sa itaas.

Makalipas ang may ilang minuto, ini-off na ni Eugene ang television.

Malalim na ang gabi.

Dapat na rin siyang matulog dahil may pasok pa siya bukas.

Nang pumasok siya sa kanilang kuwarto, nadatnan niya ang asawa na tulog na tulog.

Anyong napagod sa kanyang paglalamiyerda kanina.

Natulog na rin si Romano.

Nang gumising siya kinabukasan, gising na rin si Char-lene.

Anyong masiglang-masigla ang asawa.

“Kung hindi mo gagamitin ang kotse mo, sumabay ka na lang sa akin,” alok ng lalaki.

“Gusto ko pero magandang magkahiwalay tayo ng sasakyan. Mahirap kasi na pareho tayong magkaroon nang biglang lakad pero mag-kahiwalay tayo ng pupunta-han. Hindi advisable na mag-sama tayo sa iisang car tutal ay pareho naman tayong may sariling sasakyan,” nakangi-ting sagot ni Charlene.

Hindi na nagpilit pa si Romano.

Sabay silang nag-almusal.

Naunang umalis ang babae.

Pero hinalikan muna niya sa pisngi ang asawa bago tuluyang umalis.

Wala na si Charlene nang tumunog ang wireless telephone sa salas.

Ang kasambahay na si Aling Melinda ang dumampot sa telepono. Maya-maya’y hangos niya itong iniabot kay Romano.

“Sino ho ang tumawag?” tanong niya sa kasambahay.

“Ang biyenan mong ba-bae!” sagot ni Aling Melinda at lumayo na.

“Ikaw pala, Mommy. Ang aga mo yatang tumawag. Kumusta na ba?” masayang sagot ni Romano.

“Okey lang. Si Charlene, nariyan pa ba?” tanong ni Mrs. Gorospe.

“Nakaalis na, Mommy!”

“Nakakainis ang batang iyan,” may himig ng pagtatampong sabi ng biyenang babae. “Simula nang mag-asawa, hindi na kami naisipang silipin. Pakisabi naman na minsan ay dumaan siya rito para makapagkuwentuhan.”

“Hindi ba nagagawi riyan si Charlene, Mommy?” paniniyak ni Romano.

“Simula nang ikasal kayo, hindi kahit minsan!”

Natigilan ang lalaki.

Kagabi nang sitahin niya ang asawa, ang dahilan ay dumaan sa kanilang bahay kaya malalim na sa gabi nang makauwi.

Pero bakit ang sabi ng ina, ni minsan ay hindi pa nagaga-wi sa kanila si Charlene?

Bakit naglilihim sa kanya ang asawa?

Mukhang may ginagawa siyang milagro na hindi niya alam.

“Sige po, Mommy. Sasabihin ko kay Charlene na dalawin kayo at kapag may time ako, dalawa kaming pupunta sa bahay ninyo!” ang naisagot na lang niya sa biyenang babae.

“Sige, anak. Maraming salamat,” sagot naman ni Mrs. Gorospe sa kabilang linya.

Sa puntong ito na natapos ang kanilang pag-uusap.

Nagpaalam na si Roma-no sa mag-asawang kasam-bahay at umalis na.

Lulan ng sariling sasakyan na dumiretso na siya sa pi-naglilingkurang ospital.

Naunang dumating sa kanya ang kaibigang doktor na si Louie.

“Mukhang hindi na kayo nagsasabay ng misis mo sa pagpasok,” nakangiting sabi ng huli.

“Ito ang kahirapan ng may kanya-kanyang sasakyan. Nagkakanya-kanya na ring lakad,” nakatawang sagot naman ni Romano.

Sinundan ni Louie ang kaibigan habang patungo sa kanyang mesa.

Malungkot siyang napailing …

Tingin kasi niya sa kaibigan, may duming nakapatong sa ulo. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply