Malikot na gf binaril ng makating pulis

PANIBUGHO ang nag-udyok sa isang deputy chief of police ng Pio Duran sa Albay para barilin at mapatay ang kanyang kasintahan at isang lalaki ng mahuli niya itong nagyayakapan at naghahalikan sa isang parking lot sa lalawigan.

Ang biktima na nakilalang si Eugene Aydalla, 32, may-asawa at bank teller ng Land Bank-Legaspi ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo, leeg at kamay at idineklarang dead on arrival sa ospital habang agaw-buhay naman ang kasama nitong si Antonio Lorcha ,35, residente ng Guevarra subdivision, Daraga, Albay.

Pormal namang sinampahan ng kaso ang suspek na si Insp. Karl Jayson dela Cruz matapos nitong sumuko makaraang magtago ng ilang araw pagkaraan ng naganap na krimen.

Sa ulat ng Albay PPO, namataan umano ng pulis ang kanyang kasintahan na naglalakad patungo sa isang nakaparadang kotse. Sinundan niya ito at nakitang nagyakapan at naghalikan ang dalawa sa loob ng kotse kung kaya’t pinagbabaril niya ang mga ito. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply