Maliliit na negosyo mapipinsala sa wage increase

NAGBABALA ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na kung pipilitin ng pamahalaang ibigay ang P125 across the board wage increase sa mga pribadong sektor ay magkakaroon ng mapaminsalang dulot sa negosyo at paggawa .

Ayon kay Edgardo Lacson, pangulo ng ECOP, ang malaking pagtataas sa sahod kung hindi nakabase sa produksyon ay magtataas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.

Hindi naman umano basta-basta magpapatong ang mga negosyante sa tumaas na halaga ng kapital sa mga produkto dahil sa kompetisyon ng mga low-cost na imported at smuggled na produkto galing Tsina.

Dahil dito, maraming kompanya ang hindi kayang makabangon sa taas ng produksyon at wala ng paraan kundi mabawas ng tauhan o di kaya’y magsara ng kumpanya o manatili sa negosyo subalit nagtatago upang makaligtas sa mga legal na bayarin.

Ang magiging biktima sa pangyayaring ito ay ang mga micro at maliliit na establisimyento kung saan umaasa ang may 3,596,110 na mga sahurang empleyado o 63 porsiyento ng buong bilang na 5,691,110 trabaho sa nakarehistrong sektor. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply